Bagong buhay nang maituturing ng mga nagtapos bilang bagong CAFGU Active Auxilliaries o CAA’s na dating miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF sa Isabela City, Basilan ang kanilang natamo ngayong buhay.
Matapos na makapagtapos, binisita naman nito ang kampo at pamunuan ng 101st Infantry “Three Red Arrows” Brigade sa Camp Luis Biel 2 sa Tabiawan ng nasabing siyudad.
Sa naging pagbisita ng mga ito, binigyan ng pagkilala at papuri ni 101st Infantry Brigade Commander BGen. Alvin Luzon ang mga ito at pinangaralan din ng kanilang mga nakaatang na responsibilidad bilang mga bagong kasapi ng AFP.
Iginiit din nito ang values ng pakikipagkapwa sa mga kasamahan kung saang unit ang mga ito nakatalaga at pagpapanatili ng kaayusan sa sakop nitong komunidad.