Inaprubahan ng Commission on Elections En Banc ang Manifestation of Intent ng United Bangsamoro Justice Party upang makalahok bilang Regional Parliamentary Political Party sa 2026 BARMM Parliamentary Elections.
Batay sa resolusyon, pinahintulutan ang UBJP na maghain ng mga kandidato para sa parliamentary district representatives sa nalalapit na halalan.
Ibinigay din ng COMELEC ang “due course” sa kanilang aplikasyon bilang bahagi ng proseso ng akreditasyon ng mga partidong pulitikal sa rehiyon.
Samantala, tuluyang ibinasura ng komisyon ang mga oposisyon na inihain laban sa aplikasyon ng partido.
Nauna nang kinumpirma ni George Garcia ang pagkakaroon ng mga petisyon kontra sa akreditasyon ng UBJP bago inilabas ang pinal na desisyon.

















