Sa unang tingin, aakalain mong parte ng normal na presentasyon ng kapulisan sa lungsod ang mga motorsiklo na ito na nasa kanilang bakuran.

Ngunit ito ay ang katas ng pera at alahas na ninakaw ng mga may-ari nito sa pamamahay ni MP Atty. Fahanie Oyod.

Credits to Kutangbato News

Matatandaang isang buwan, Hulyo 30 ng pasukin ng mga suspek ang pamamahay ng biktima sa 6th Street sa barangay RH 5 at aabot naman sa 10 milyong piso ang nakulimbat ng mga ito sa pamamahay ng biktima.

Nagbigay naman ng mga updates ang CCPO sa katauhan ni Col. Joel Estaris hinggil dito ngayong araw kasama si MP Oyod at mga suspek.