Hiniling ni MILG Minister Jordan S. Bayam sa Department of Justice (DOJ) ang pagtatalaga ng Acting Prosecutor sa Special Geographic Area (SGA) ng BARMM upang mapadali ang access ng mga residente sa serbisyong pangkatarungan.
Inihain din ni Bayam ang kahilingan na palawigin ang Amnesty Program para sa mga kwalipikadong dating kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).
Inilahad ang mga kahilingan sa high-level dialogue kasama ang DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) kahapon Nobyembre 10, 2026, na dinaluhan din ni BARMM Chief Minister Abdulraof A. Macacua.
Ayon kay Bayam, mahalagang mabigyan ng sapat na panahon ang mga kwalipikadong dating combatant upang makumpleto ang proseso ng amnestiya at makapagsimulang muli sa mapayapang pamumuhay.

















