Sari-sari ang naging reaksyon ng mga residente ng Cotabato City matapos inanunsyo ng Moro vlogger na si Shaha Meta na hindi niya matutuloy ang pagbisita sa lungsod. Ayon sa vlogger, desisyon ito ng brand na nag imbita sa kaniya dahil umanong sa kasalukuyang sitwasyon sa Cotabato City.
Hindi naman ito pinalampas ng ilang netizen. Ayon kay Princes, “For the record, Cotabato is not even Top 5 in the ranking having crime rate…” at iginiit niya na bilang influencer, hindi dapat inilalagay sa negatibong imahe ang isang lungsod o lugar. Samantala, sinabi ni Roxanne, “Wala naman pong nangyayaring masama dito sa Cotabato City.” May iba namang sumang-ayon sa desisyon ni Meta, gaya ni Baibon na nagsabi, “Alhamdulillah, para din po maging ligtas kayo. Katakot na talaga dito sa Cotabato City…”
Samantala, hindi pinalampas ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao ang pahayag ng vlogger at nagbigay siya ng tugon. Sa kanyang mensahe, sinabi niyang, “Salaam! Just want to put it straight, Shaha Meta. The situation in our beloved Cotabato City is not as worse as some quarters might have projected it. But like I told you, I understand your decision. But the authorities here – the Local Government Unit, the PNP, and the Marines are on top of the situation. Here’s hoping that one day soon, you can come to Cotabato City and experience the warmth of our people and the beauty of our place. Shukran!”
Bago pa man nagdesisyon si Shaha Meta, una na niyang kinumpronta si Mayor Matabalao upang alamin ang tunay na kalagayan ng lungsod. Ngunit, pinabulaanan ito ng alkalde at sinabing ang mga kumakalat na kwento tungkol sa Cotabato City ay pawang “exaggerated” lamang.
Sa kabila ng kontrobersyang ito, patuloy pa ring ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang seguridad at kagandahan ng Cotabato City sa kabila ng mga negatibong pananaw tungkol dito.