
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326 na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga halal na opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.
Dahil dito, hindi na itutuloy ang Barangay at SK Elections na nakatakda sanang isagawa sa Nobyembre 2, 2026.
Itinakda naman sa Nobyembre 13, 2028 ang susunod na regular na Barangay at SK Elections, o ang ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028.
Kasunod nito, maaapektuhan ang naunang election calendar ng COMELEC, kabilang ang paghahain ng Certificate of Candidacy na nakatakda sanang magsimula sa Setyembre 28.
Samantala, mananatili sa puwesto ang kasalukuyang mga opisyal sa ilalim ng bagong limang taong termino, alinsunod sa mga probisyon ng bagong batas.
















