Nanawagan ang Ministry of Public Order and Safety o MPOS sa publiko na maghinay-hinay at mag-isip muna bago maniwala o magbahagi ng mga impormasyong nakikita at naririnig.
Bahagi ito ng kanilang “Fact Check Muna Bago Maniwala” public safety awareness campaign laban sa misinformation, disinformation at malinformation.
Ayon sa kampanya, may mga maling impormasyon na sinasadyang gawing nakakatakot, nakakapagalit o nakakaawa upang mabilis na paniwalaan at maibahagi ng publiko.
Paalala ng MPOS, kapag malakas ang emosyon, maglaan muna ng oras upang mag-isip at suriin ang impormasyon.
Mahalagang tingnan ang claim, ebidensya at source bago gumawa ng desisyon o ipasa ang impormasyon sa ibang tao.

















