Nakapagtala ng aabot sa kalahating milyong piso (P550,000) na danyos ang sunog na naganap sa bahagi ng kalye Luna sa barangay Rosary Heights 4 sa lungsod kahapon ng umaga.

Sa tala na ipinabatid ni Cotabato Fire Spokesperson Fire Officer 2 Anthony Henilo, mahigit sa sampung kabahayan ang inabo ng sunog na kung saan gawa ito sa mga materyales na madaling matupok ng apoy.

Naganap din ang insidente pasado alas syete ng umaga kung saan mabilis na nakapagresponde ang mga kawani ng pamatay sunog sa insidente.

Mabilis namang kumalat ang apoy dahil sa kipot ng daan at dikit-dikit na kabahayan. Di na isinapubliko ng BFP ang pinagmulan na bahay ng sunog habang patuloy na inaalam kung ano ang sanhi ng naturang sunog.

Base sa paunang impormasyon, overcharged na cellphone ang sanhi ng naturang sunog.