Naglabas ng abiso ang NGCP tungkol sa nakaiskedyul na power service interruption na makaaapekto sa mga lugar na sakop ng Cotabato Light franchise area sa Sabado, Hulyo 4, 2026, mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.

Ayon sa anunsyo, pansamantalang ide-de-energize ang Sultan Kudarat–Datu Saudi Ampatuan 69kV T/L at Kibawe Sultan Kudarat 138kV Line, na makaaapekto sa mga substation ng Cotabato Light.

Isasagawa sa nasabing oras ang pagpapalit ng mga wood pole sa Structure 784 at 785, gayundin ang correction ng LAMSAN side guy sa Structure 810.

Pinaalalahanan din ng NGCP na maaaring magbago ang oras ng pagkawala at pagbabalik ng suplay ng kuryente depende sa sitwasyon, kabilang ang real-time frequency level, lagay ng panahon, peace and order, kondisyon ng kagamitan, at line integrity.