Kinumpirma ng Provincial at City Social Welfare and Development Offices na apat na katao ang nasawi sa landslide sa Upper Salazar, Barangay Central, Mati City, Davao Oriental ngayong Pebrero 20, 2026. Kabilang sa mga biktima ang ama at tatlong miyembro ng kanyang pamilya: si Habib, si Nhor na 13 anyos, si Thahani na 5 anyos, at si Kharen, 39 anyos.
Samantala, nag-ulat din ang lokal na pamahalaan ng Monkayo, Davao de Oro na tatlo ang nasawi sa landslide na tumama sa kanilang lugar kagabi, Pebrero 19, 2026. Kabilang sa mga biktima sina Kuiper 7 anyos, Reyjun 31 anyos at Reyjun Jr., 12 anyos.
Patuloy ang search at rescue operations sa parehong lugar upang matulungan ang mga apektadong residente at maiwasan ang karagdagang pinsala sa komunidad.

















