Posibleng simulan sa susunod na taon o 2025 ang oil exploration sa Bangsamoro Autonomous Region.

Ito ang tugon sa maging katanungan ni MENRE-BARMM Director General For Energy Management and Development Services Nasiri Abas.

Ayon kay Abas, matapos na magawa ang mga hakbangin at proseso at malagdaan ito ng Pangulong Bongbong Marcos, maari nang simulan ang coal and petroleum exploration.

Ang Joint Review and Evaluation Committee (J-REC) naman ay nagsimula na din sa pagsusuri sa mga kumpanyang nagpakita ng kagustuhan o interes na maglagak ng puvunan sa petroleum at coal exploration sa apat na pre-determined areas sa BARMM region.