Nasakote ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 15 (PDEG-SOU15 BARMM) ang isang hinihinalang high-value drug personality sa isang ikinasang anti-illegal drugs operation sa Poblacion 5, Cotabato City kaninang tanghali.

Kinilala ang nadakip sa alyas Fai, 35 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok Milan, Rosary Heights 13, Cotabato City.

Aabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680,000 ang nakumpiska mula sa suspek. Narekober rin ang perang ginamit bilang marked money, isang asul na pouch, at dalawang cellphone.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.