Dinagsa ng libo-libong mga tagatangkilik at tagasuporta ng Serbisyong Inklusibo, Alyansang Progresibo O SIAP sa lungsod ng Cotabato ang paghahain ng grupo ng kanilang Certificates of Candidacy.

Nagtipon tipon mula sa plaza ng lungsod ang mga ito upang magpakita ng suporta sa partido at ito ay sa pagsasama sama ng 37 na mga barangay.

Pinangunahan ng mismong standard bearers na sina Mayoralty Aspirant Vice Mayor Butch Abu at Vice Mayoralty Candidate Kapitan Bimbo Pasawiran ang nasabing filing kasama ang sampu nitong konsehales.

Pinasalamatan naman ng Abu-Pasawiran tandem ang ipinakitang show of force ng kanilang mga tagapagtangkilik sa lungsod.