Kakatawan sa bansang Pilipinas para sa Miss Tourism World si Marela Glospea Juaman ng ito ang makoronahan sa Hiyas ng Pilipinas 2024 Pageant sa Quezon City kagabi.

Lumutang sa 40 na kandidata ang ganda, galing at talino ni Juaman lalo na ng ipamalas nito ang magaling na sagot sa ibinatong tanong sa kanya sa Q and A portion.

Ang psychologist na si Juaman ay kinoronahan din bilang Lakambini ng Koronadal at Mutya ng South Cotabato noong 2018.

Kauna-unahan din na tagalungsod na nagkaroon ng national beauty title si Juaman.

Tinanghal naman na First Runnsr Up si Ms. Makati, ikalawa si Ms. Pangasinan, 3rd si Ms. Manila at ikaapat si Ms. Northern Samar.

Si reigning Mutya ng South Cotabato Clara Michelena naman ay pasok bilang top 10 finalist ng nasabing patimpalak.