Bitbit ang mensaheng kung wala ang probinsya ng Sulu ay wala ring BARMM, sanib pwersang isinagawa ng mga mamamayan ng probinsya ang isang Peace Caravan kamakailan.

Bitbit ang mga bandila ng Bangsamoro at mga placards na may mensahe ng pagpapanumbalik sa rehiyon ng probinsya, ipinahayag ng mga mamamayan ng kanilang nagkakaisang panawagan ma isamang muli ang kanilang probinsya sa BARMM region.

Ang naturang pagkilos ay patotoo lamang na may pagkakaisa ang Bangsamoro sa layuning maibalik ang lalawigan sa rehiyon sa kabila ng pagtanggi nito sa plebesito ng BOL noong 2019.

Nanguna sa pagkilos ang mga babaeng miyembro ng Moro National Liberation Front o MNLF habang nakiisa rin ang mga provincial ministry offices, paaralan at iba pang mga sektor sa probinsya.