Patuloy ang DOH sa pakikipagtulungan sa mga Local Government Units (LGUs) upang masigurong nabibigyan ng tamang serbisyong medikal ang mga kumpirmado at hinihinalang kaso ng mpox.
Ano ang totoong kalagayan ng Mpox sa Pilipinas?
Mas maraming kaso ang naitala noong 2024 kumpara ngayong 2025. Sa katunayan, mas marami ang kaso noong Abril kaysa ngayong Mayo.
Walang kaso ng Mpox Clade I-b ang nakikita dito sa Pilipinas. Ang umiiral lamang ay Clade II, na may mas mababang panganib sa pagkamatay (isa sa bawat sampu kumpara sa 4-5 sa Clade I-b).
HINDI airborne ang mpox kaya WALANG RASON para magkaroon ng lockdown dahil dito.
Ayon sa DOH, huwag paniwalaan ang mga pekeng Facebook posts na naglalaman ng maling impormasyon, pekeng endorsement mula sa mga eksperto, at mga mapanlinlang na marketing strategy.
Inihain na rin ng DOH sa DICT ang kahilingan para alisin ang mga pekeng pahinang ito.