NAMAHAGI ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ng ready-to-lay chickens at iba pang poultry supplies sa isang cooperative sa Barangay Damalusay, Paglat kamakalaw, noong Setyembre 26.

Tumanggap ang Damalusay Paglat Agriculture Cooperative ng mga manok na handa nang mangitlog, kasama ang cages, bitamina, antibiotics at feeds para sa kanilang poultry livelihood.

Pinangunahan ni Office of the Provincial Veterinarian o OPVET Dr. Yussouf Malenkov Mangudadatu ang pamamahagi kasama ang mga kawani ng tanggapan.

Layunin ng programa na makatulong sa pagpapalakas ng backyard egg production, kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at food security sa lalawigan.

Patuloy namang sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga lokal na kooperatiba at maliliit na egg farmers sa pamamagitan ng mga livelihood at agricultural assistance program.