May tao nang tinitignan o person of interest ngayon ang South Upi PNP kaugnay sa pananambang patay sa bise alcalde ng nasabing bayan na si Vice Mayor Roldan Benito noong nakaraang linggo.

May anggulo nang sinusundan ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan.

Dahil dito, mariing kinondena ng kapulisan ng South Upi ang pananambang sa bise mayor na nagresulta sa agarang pagkamatay nito at ng kanyang escorte na si Weng Ramos.

Samamtala, nasa maayos nang kalagayan at ligtas na ngayon ang kanyang maybahay na kapitan ng Barangay Pandan maging ang anak nito na nadamay sa pananambang.