Nagtamo ng pinsala ang ilang kabahayan matapos na mabuwal sa mga ito ang isang higanteng punong kahoy sa bahagi ng Crossing, Simuay bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte kahapon ng hapon.

Pasado alas singko ng hapon ng simulang lumakas ang ulan na sinabayan pa ng nakakatakot na lakas ng hangin at kidlat.

Sa mga larawan, makikita na wasak at butas ang bubungan ng isang pamamahay habang ang ibang kabahayan ay wasak ang ibang parte nito.

Mapalad na walang nadamay o nasaktan sa insidente ngunit nagbunsod ito sa mga apektafo na magbakwit sa kanilang mga kalapit bahay. Tulong ang inihihingi ngayon ng mga apektado ng nasabing delubyo ng kalikasan.