Dumating na sa Cotabato City ang tatlong Quick Reaction Force (QRF) teams at isang Civil Disturbance Management (CDM) team kahapon, Oktubre 28 bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad para sa inaugural session ng Bangsamoro Parliament at pagpili ng bagong Chief Minister bukas, Oktubre 30.
Mula sa 1402nd A Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 14-A ang mga tauhan na dumating sa Schools Division of Cotabato City sa ND Village.
Pagdating sa lugar, sumailalim ang mga pulis sa operational briefing para matiyak ang maayos na koordinasyon at kahandaan sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin sa araw ng sesyon.
Layunin ng deployment na makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko sa mahahalagang gawain ng Bangsamoro Parliament.

















