Sumailalim sa Basic Civil-Military Operations o CMO training ang mga piling reservists na bubuo sa Ready Reserve Platoon sa Cotabato City at Maguindanao del Norte.
Isinagawa ang pagsasanay ng 6th Civil-Military Operations “Kasangga” Battalion o 6CMOBn, katuwang ang 6th Infantry “Kampilan” Division o 6ID at 16th Regional Community Defense Group o 16RCDG.
Itinuro sa mga kalahok ang mga pangunahing kaalaman sa CMO, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, pagsuporta sa information at advocacy efforts, at koordinasyon sa iba’t ibang stakeholders.
Layunin ng training na ihanda ang mga reservists para sa kanilang magiging tungkulin bilang bahagi ng Ready Reserve Platoon at makatulong sa mga operasyon ng Army kapag kinakailangan.
Bahagi rin ito ng patuloy na paghahanda ng Philippine Army sa reserve force na maaaring umalalay sa regular forces sa peace, security at community engagement activities.

















