Nagkaroon ng pagpupulong para sa nalalapit na halalan sa Nasyonal, Lokal at Pangparliamentaryo sa darating na 2025 ang mga opisyales ng kapulisan, 6th Infantry “Kampilan” Division at ng COMELEC kahapon sa Kampilan Officers Club House sa loob ng Camp Siongco.
Nasa pagpupulong sina PRO BAR Regional Director PBGen Romeo Macapaz sa hanay ng PNP, MGEN Antonio Nafarette para naman sa 6ID bilang commander nito at si Comelec Chairman George Garcia para naman sa hanay ng komisyon sa halalan.
Tinalakay sa nasabing komperensya na inorganisa ng COMELEC ang kahandaan ng bawat panig sa magiging latag ng seguridad ngayong papalapit na ang halalan sabay ang pagpapahayag ng importansya sa nagkakaisang aksyon para maging ganap ang mapayapang halalan sa rehiyon.