Nakakaranas ngayon ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang Cotabato City at iba pang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dulot ng shear line.

Nakapagtala ng katamtaman hanggang sa minsang malakas na pag-ulan sa rehiyon, na nagdudulot ng banta ng flash floods at landslides, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking komunidad.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.