Makikita sa mga larawan ang lawak ng pinsalang iniwan ng sunog sa Punta Isla Lake Resort sa Lake Sebu, South Cotabato na naganap bandang alas-4:00 ng madaling araw ngayong April 17, 2026.

Makikita sa mga kuhang larawan ang mga nasirang istruktura ng resort, ilang motorsiklo, at ang matinding pinsala sa bahagi ng convention hall at kusina na pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy.

Wala pang inilalabas na kumpletong ulat hinggil sa kabuuang lawak ng pinsala sa insidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang sanhi ng sunog at iba pang detalye kaugnay nito.