Namatay umano sa riot na naganap sa loob ng Lanao Sur Provincial Jail ang tatlong detinado na itinuturong suspek sa pananambang kay Lanao Sur Governor Adiong.

Kinilala ang tatlong detinado na sina Lomala, Alimontaha at Mimikan.

Inaalam pa sa ngayon ang motibo at kung ano ang naganap sa kontrobersiyal na pagkamatay ni Lomala na matatandaang iningunguso na pangunahing suspek sa pananambang kay Lanao Sur Governor Mamintal Adiong noong nakaraang taon.

Wala pang ipinahahayag na opisyal ang mga autoridad hinggil sa pagkakasawi kung ito ay dulot ng riot o sa iba pang kadahilanan.