Arestado ang isang 45-anyos na mekaniko ng mga operatiba ng Lebak Municipal Police Station matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Mayo 20, 2026, sa Brgy. Aurelio F. Freires Sr., Lebak, Sultan Kudarat.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Nog-Nog,” may asawa at residente ng Brgy. Barurao II, Lebak. Ayon sa pulisya, nakumpiska mula sa kanya ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P8,000.
Batay sa ulat, matagumpay na naisagawa ng mga operatiba ang operasyon bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa bayan. Agad namang dinala sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng kaso.
Inihahanda na laban sa suspek ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PLTCOL Randy M. Eliarda, patuloy na paiigtingin ng Lebak MPS ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at hinikayat ang publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

















