Kalaboso ang tatlong lalaki matapos na mahulihan ng iligal na droga sa isang police checkpoint sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat noong nakaraang linggo.

Kinilala ng pulisya sa bayan ang mga suspek na si alyas Jong Jong, 27 anyos at isang social worker at itinuturing na isang high value target na taga Pres. Quirino ng probinsya at mga kasamahan nito na sina alyas Bobby at Tinio na taga Mangudadatu sa Maguindanao del Sur.

Sa imbestigasyon ng Isulan PNP, habang nagsasagawa ng checkpoint sa Barangay Dansuli ay pinara nito ang isang kotse at ng rekisahin nila ang compartment ay nahulog ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Dito na hinalughog ng otoridad ang sasakyan at nakakuha pa ng dagdag na limang sachet ng shabu na may bigat na 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.00.

Kulong ngayon ang tatlo at sasampahan ng kaso na paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002