Inihayag ng PAGASA na alas-2:00 ng hapon ngayong Linggo, Agosto 2 ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression “Luis”, na dating namataan bilang Low Pressure Area. ‎‎

Samantala, patuloy ring mino-monitor ng state weather bureau ang Typhoon “Dolphin”, na nasa loob ng Tropical Cyclone Information Domain (TCID) ng PAGASA.‎‎

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin ng PAGASA para sa mga susunod na update at maging handa sa posibleng epekto ng sama ng panahon, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.