Mariing kinondena ng partidong UBJP o United Bangsamoro Justice Party ang walang kaawa awang pamamaslang sa tinuturing nitong party volunteer ag dating purok leader ng Barangay RH 8 na si Maria Alona Villar.

Ayon sa UBJP sa pamamagitan ng naging statement nito, dedicated and passionate advocate ng mga prinsipyo at ideolohiya ng partido si Villar at pinatay ito habang gumagampan sa tungkulin.

Dahil dito, iginiit ng partido ang patas, makatuwiran at walang kinikilingang imbestigasyon upang mapanagot ang mga suspetsado sa nasabing krimen.

Ipinapaabot din ng partido ang taos puso nitong pakikiramay sa pamilya ni Villar at hinimok din ng partido ang mamamayan na anupaman ang kinabibilangang kulay o partido na kondenahin din ang mga naiuulat na pamamaslang sa mga inosente at sibilyan.