Nagsagawa ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ng voters’ education seminar sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.
Tinalakay sa aktibidad ang bagong parliamentary electoral system, tamang proseso ng pagboto, at ang mga karapatan at responsibilidad ng mga botante sa halalan.
Dinaluhan ang programa ng mga residente, lokal na opisyal, at mga lider ng komunidad na nakibahagi sa layuning mapalawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa proseso ng halalan.
Ayon sa UBJP, bahagi ang naturang seminar ng patuloy nitong voters’ education campaign sa iba’t ibang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang mahikayat ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.

















