Nagdaos ng general assembly at voters’ education campaign ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa bayan ng Nalil, Tawi-Tawi bilang bahagi ng paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections sa 2026

Dinaluhan ang programa ng daan-daang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front–Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF), mga kasapi ng partido, at mga tagasuporta upang mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa parliamentary system at tamang proseso ng pagboto.

Samantala, ibinahagi ni UBJP Youth Nominee Al-Haafidh Sulffy Abbas ang ilan sa kanyang mga pangunahing adbokasiya para sa kabataan at sa Bangsamoro.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang parlamentong nagsusulong ng moral governance, pananagutan, at tapat na paglilingkod sa publiko.

Hinikayat din ni Abbas ang mga residente ng Tawi-Tawi na aktibong makibahagi sa nalalapit na halalan sa pamamagitan ng pag-unawa sa parliamentary system at responsableng pagboto.