Isinasagawa ngayon, Sept. 8, ang voter’s education sa Mother Kabuntalan, District III ng Maguindanao del Norte, bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na halalan sa Bangsamoro.
Layunin ng aktibidad na paalalahanan at dagdagan ang kaalaman ng mga botante tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad, gayundin sa tamang proseso ng pagboto.
Pinangunahan ito ng BIAF-MILF 128th Base Command sa pamumuno ni Hon. Municipal Councilor Raffy Ben Alhusainie Abusaima Husain, na nagsisilbing 128th Base Command Chief at miyembro ng MILF-CCCH.
Tinalakay rin sa voter’s education ang kahalagahan ng malaya at responsableng pagboto, gayundin ang pagpapanatili ng mapayapa at maayos na halalan.
Hinimok naman ang mga dumalo na gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang malaya, responsable at naaayon sa kanilang konsensiya.

















