𝐿𝒪𝒱𝐸 𝒦𝒩𝒪𝒲𝒮 𝒩𝒪 𝒢𝐸𝒩𝒟𝐸𝑅, yan ang pinatunayan sa buong mundo ng mag-asawang Amanda at Shaye Scott, nang magkaroon sila ng mahirap ngunit mahalagang desisyon na babago sa kanilang mga buhay.
Ang husband kasi ni Amanda na si Shaye na tubong Utah, noon pa raw naramdaman na siya ay may pusong babae sa edad palang na tatlong taong gulang ngunit binalewala lang nito ang kanyang nararadaman sa pag-aakalang lilipas din.
Ang mag-asawa ay kinasal noong 2006, at nagkaroon ng tatlong anak. Nitong taong 2019 habang nasa bakasyon ang buong pamilya nila sa Laguna Beach, California, dito na naglakas loob si Shaye na umamin sa kanyang asawa.
Salungat ang naging reaksyon ni Amanda, hindi galit kundi lubos nitong inintindi ang kanyang asawa.
Sa isang viral tiktok video ni Shaye na umani ng 2.8 million views, sinabi nito sa kanyang asawa na ‘I won’t transition if it means losing you’, pero pagsisiguro ni Amanda na hindi ito mawawala sa kanyang tabi hanggang maging ganap itong babae.
Taong 2023, nagsimulang magtransition si Shaye, ang dating maskuladong pangagatawan ni Shaye ngayon ay feminine features na ang mayroon siya.
Ngayong taong 2024 balak ng mag-asawa na i-renew ang kanilang wedding vows makalipas ang labing walong taong sagradong pagsasama ng dalawa.