Labinsiyam na indibidwal ang nakaranas ng panic attack kasunod ng naganap na insidente sa Isulan National High School sa Barangay Calawag, Isulan, Sultan Kudarat nitong Setyembre 30.

Agad na rumesponde ang Philippine Red Cross o PRC at nagbigay ng paunang lunas sa mga naapektuhan sa school clinic.

Limang indibidwal naman ang nabigyan ng Psychological First Aid o PFA upang matulungan silang makayanan ang epekto ng insidente.

Nag-deploy din ang PRC ng Emergency Medical Services at Welfare Teams na naka-standby sa paaralan.

Kabilang sa ipinadala ang South Cotabato PRC ambulance na may anim na personnel at Sultan Kudarat VERV Team na may tatlong personnel.