Dalawa ang naiulat na nasawi matapos ang pamamaril sa ikaapat na palapag ng Junior High School Campus ng Ateneo de Zamboanga University ngayong araw.

‎Batay sa paunang impormasyon mula sa mga awtoridad, isang Grade 9 student umano ang itinuturong suspek sa insidente.

‎Ayon sa ulat, dalawang uri ng baril umano ang ginamit sa pamamaril, kabilang ang isang 9mm pistol at isang M16 rifle.

‎Nagdulot ng takot at pangamba sa loob ng campus ang sunod-sunod na putok na narinig sa nasabing palapag

‎Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa insidente, kung paano nakapasok ang mga baril sa loob ng paaralan, at makumpirma ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.