Apat na menor de edad ang tigok ng mabagsakan ng nabuwal na puno dahil sa pananalasa ng bagyo sa Narciso Highway, Barangay Cabasaran sa bayan ng Malabang, Lanao Sur.

Kinilala ang mga nasawi on the spot na menor de edad na sina Jehana Alican, 12, Janah Tantao Palawan, 12, Sittie Harah Manioba, 7 at Allysa Airoden, 15 habang sugatan naman ang tatlo na pawang mga minor aged.

Sakay ang mga nabanggit ng payong payong patungong kabayanan ng Malabang ng mabagsakan ng puno ang kanilang motor na sinasakyan.

Agad naman na nagbigay ng tulong ang MSSD-BARMM sa pamilya ng mga nasawi at nasugata at sinagot naman nito ang burial assistance at pinansyal na tulong sa mga nagpapagaling bukod pa sa mga pagkain na ayuda.