Umabot na sa siyam ang nasawi matapos tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao ngayong umaga, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng General Santos City.

Bukod sa mga nasawi, iniulat din ng mga awtoridad na may walong katao pang nawawala habang 142 naman ang nasugatan. Patuloy pa rin ang search and rescue operations at damage assessment sa iba’t ibang lugar na naapektuhan ng lindol.

Ayon sa ulat, ang mga nasawi ay mula sa mga sumusunod na lugar:

2 sa Calumpang (Felomina)

1 sa Watergran

2 sa KCC

1 sa Silway

1 sa Savemore

1 sa San Jose

1 sa Labangal Estate

Samantala, kabilang naman sa mga nawawalang indibidwal ang:

2 sa Watergran

1 sa CPAVI, Felomina, Calumpang

5 sa Insular Life Building, Pioneer

Naitala rin ang 142 na sugatan sa iba’t ibang barangay:

5 sa Calumpang

15 sa Tambler

18 sa Lagao

4 sa Tinagacan

18 sa Apopong

25 sa Baluan

10 sa Fatima

40 sa San Isidro

4 sa Labangal

2 sa West

Patuloy namang nananawagan ang mga awtoridad sa publiko na manatiling alerto dahil posibleng magkaroon pa ng mga aftershock.