Dumalo ang Bangsamoro Board of Investments (BBOI), sa pamamagitan ng Board of Governor na si Manan Baraguir, sa isinagawang NCMF Climate Change Summit 2025 na ginanap sa Park Inn Radisson, SM North EDSA, Quezon City.

May temang “Leadership through faith and action for a resilient muslim community,” layunin ng pagtitipon na palakasin ang mga hakbang upang tugunan ang epekto ng climate change at isulong ang pangmatagalang kaunlaran.

Pinangunahan ni NCMF Secretary Sabuddin Abdurahim ang programa na dinaluhan ng iba’t ibang stakeholders at mga opisyal mula sa pambansang pamahalaan.

Sa pamamagitan ng summit, nagkaroon ng mas matibay na ugnayan at pagtutulungan upang mapalakas ang adbokasiya para sa kalikasan at matatag na pamayanan ng mga Muslim sa bansa.

All photo credits to BANGSAMORO BOARD OF INVEST/FB Page