Mahigit sa isang libong kabahayan ang naabo matapos sumiklab ang isang malakihang sunog sa Barangay Lamion kagabi.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang apoy bandang alas-10:00 ng gabi at tuluyang idineklarang “fire out” dakong alas-2:00 ng madaling araw ngayong Pebrero 4.

Agad na inilikas ang mga apektadong pamilya at pansamantalang dinala sa MSU Amilbahar Gym at sa Provincial Quarantine Area upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maibigay ang kinakailangang tulong.

Samantala, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala na iniwan nito sa komunidad.