Itinampok ng Philippine Statistics Authority – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kanilang espesyal na release noong Pebrero 27, 2026 na mayroong pinakamababang bahagi sa kabuuang naitalang bilang ng mga namatay sa bansa noong 2024.
Ayon sa datos, umabot sa 5,552 ang bilang ng mga namatay sa rehiyon, na katumbas lamang ng 0.8 porsyento ng kabuuang 701,884 na naitalang deaths sa buong Pilipinas. Ipinakita rin ng ulat ang pagbaba ng 3.56 porsyento mula sa 5,757 na namatay na naitala sa BARMM noong 2023.
Kasama sa datos ang mga naitalang kamatayan mula Enero hanggang Disyembre 2024, pati na rin ang 10 pangunahing sanhi ng kamatayan batay sa impormasyon na natanggap hanggang Setyembre 30, 2025. Kabilang dito ang mga Filipino na karaniwang naninirahan sa ibang bansa at mga dayuhan na namatay sa bansa sa nasabing panahon. Ayon sa PSA, hindi isinama sa presentasyon ang probinsya ng Sulu, ang Eight Area Clusters, at ang Lungsod ng Isabela.
Ang impormasyon ay nakalap mula sa timely at late registered deaths sa mga tanggapan ng City/Municipal Civil Registrars sa buong bansa at ipinasa sa Office of the Civil Registrar General sa pamamagitan ng PSA-Provincial Statistical Offices, at na-proseso ng PSA-Civil Registration Service.
Sa pamamagitan ng release na ito, layunin ng PSA-BARMM na maipabatid sa publiko ang kasalukuyang kalagayan ng health indicators sa rehiyon at magsilbing batayan sa mga susunod na programang pangkalusugan at polisiya sa BARMM.

















