Inihayag ng MCWD Management na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala sa suplay ng tubig sa Krislamville at Rosary Heights 6 ngayong Lunes, Marso 2, 2026, mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ayon sa MCWD, ang abiso ay dulot ng replacement ng sira na 3-inch butterfly valve sa lugar. Dahil dito, kinakailangang pansamantalang isara ang tubig, kaya posibleng makaranas ang mga residente ng low pressure o tuluyang kawalan ng tubig habang isinasagawa ang maintenance.

Pinangako ng MCWD team na sisikapin nilang mabilis na matapos ang gawain at ibalik agad ang normal na suplay ng tubig. Hiniling din nila ang pang-unawa ng publiko sa abalang maaaring idulot ng naturang operasyon.