Ipinahayag ng Cotabato City Police Office (CCPO) ang kanilang mga operational accomplishments para sa buwan ng Pebrero 2026, kabilang ang mga anti-illegal drugs operations, loose firearms surrender, at arrest ng wanted persons.

Ayon sa ulat, nakapagsagawa ang CCPO ng kabuuang 20 anti-illegal drugs operations, na nagresulta sa pag-aresto ng 27 indibidwal at pagkumpiska ng droga na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 231,818.12.

Sa loose firearms operations, limang operasyon ang naisagawa kung saan limang baril ang isinumite o na-deposito sa awtoridad. Samantala, 9 wanted persons naman ang naaresto sa iba’t ibang operasyon sa lungsod.

Tiniyak rin ng CCPO na patuloy nilang iniimbestigahan ang 4 shooting incidents, kung saan tatlo ang naresolba at isa ang nananatiling under investigation.