Tiniyak ni Lt. Col. Ronald E. Suscano, tagapagsalita ng 6th Infantry “Kampilan” Division (6ID), sa mga residente ng BARMM na patuloy nilang pinangangalagaan ang kapayapaan sa rehiyon.

Bagama’t may ilang lugar na naitalang mayroong kaso ng pamamaril at armadong bakbakan, ang rehiyon ay nananatiling pangunahing mapayapa, at tuloy-tuloy ang negosasyon sa mga nag-gigiriang grupo upang hindi na lumala ang tensyon.

Binanggit din ng militar na pinalakas ang mga checkpoints at patrol operations, kasabay ng koordinasyon sa Philippine National Police, upang masiguro ang kaligtasan ng bawat residente.

“Sa ngalan ng 6ID at Joint Task Force Central, tinitiyak namin sa lahat ng kababayan natin dito sa BARMM na ginagawa namin ang lahat para manatiling ligtas at mapayapa ang ating mga komunidad sa buong buwan ng Ramadan,” ani Suscano.