Akala ng iba kailangan pang bumiyahe hanggang Japan para makakita ng mala-sakura na tanawin—pero sa Malungon, Sarangani Province, may ganitong ganda rin palang matatagpuan.

Sa kahabaan ng national highway sa Sitio Pulatana, Brgy. Malandag, kasalukuyang namumulaklak ang hanay ng mga pink trumpet tree o Tabebuia rosea.

Dahil sa puti at rosas nitong mga bulaklak, nagmistulang cherry blossom view ang lugar na kadalasang nakikita lamang sa Japan.

Dahil dito, maraming motorista at biyahero ang napapahinto o napapabagal sa pagdaan upang masilayan ang kakaibang tanawin.

Dahil sa natatanging ganda nito, dinadayo na rin ang lugar ng mga residente at mga bisita mula sa karatig-bayan upang maglakad sa ilalim ng makukulay na bulaklak at kumuha ng mga litrato na tila kuha sa ibang bansa.