Pinagtibay ng 1st Mechanized Infantry (Lakan) Battalion ang ugnayan nito sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa isinagawang courtesy visit sa Barangay Brar, Datu Anggal Midtimbang noong March 18, 2026.

Pinangunahan ni LTC William G. Sabado ang pagbisita sa 2nd Brigade National Guard ng MNLF, na pinamumunuan ni Odi Sumlay Watamama, kung saan nagsagawa ng maayos at makabuluhang talakayan upang higit pang palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng grupo.

Layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang panig bilang magkaagapay sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Kasabay nito, nakikiisa rin ang Lakan Battalion sa pagdiriwang ng ika-58th Founding Anniversary ng MNLF, bilang pagkilala sa mahalagang papel ng organisasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon.

Ayon sa mga opisyal, patuloy ang ganitong mga inisyatibo upang mapalakas ang tiwala at kooperasyon sa pagitan ng security forces at mga stakeholder sa BARMM.