Naghahanda na ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office para sa nalalapit na 1st Bangsamoro Parliamentary Elections, kasunod ng patuloy na assessment at evaluation ng sitwasyon sa lalawigan.

Ayon kay PCOL Michael John C. Mangahis, kasalukuyang isinasagawa ng kanilang hanay ang masusing pagsusuri sa mga nag-file ng kandidatura bilang batayan ng kanilang mga susunod na paghahanda.

Tinitingnan din umano ng pulisya ang posibleng political affiliations ng mga kandidato upang matukoy kung may mga lugar na maaaring ma-classify bilang areas of concern o kung magiging normal ang sitwasyon sa bawat distrito sa Maguindanao del Sur.

Dagdag pa ng opisyal, may mga inaasahang district assignments sa lalawigan na patuloy na inoobserbahan at ina-assess upang masiguro ang angkop na deployment at seguridad.

Giit pa ni PCOL Michael John C. Mangahis, mahalaga ang maayos at komprehensibong evaluation upang makapaghanda nang tama ang kapulisan at mapanatili ang kaayusan at seguridad sa panahon ng halalan.