Patay nang matagpuan ang isang lalaki na hinihinalang estudyante sa bahagi ng Simuay River sa Barangay Matengen, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ayon sa paunang impormasyon, mga residente ang nakadiskubre sa biktima na may mga tama ng bala at natagpuan sa ilog.
Batay sa nakuhang impormasyon, dalawang tama ng bala ang nakita sa bahagi ng tiyan ng lalaki na posibleng naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Hindi pa nakumpirma ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ang eksaktong dahilan kung paano siya napunta sa Simuay River.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at kung may foul play sa insidente.
Samantala, sa sinumang may nawawalang kamag-anak o miyembro ng pamilya na maaaring tumugma sa biktima, pinapayuhang makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sa kanilang lugar para sa posibleng pagkilala at beripikasyon.

















