Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, Nobyembre 27, 2026, sa Cotabato City ang Mindful Media: Responsible Reporting and Ethical Portrayal of Suicide Training Workshop na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga mamamahayag sa responsable at etikal na pag-uulat tungkol sa suicide.
Dinaluhan ang nasabing pagsasanay ng mga media practitioner, blogger, at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan ng workshop, binibigyang-diin ang kahalagahan ng maingat na paggamit ng mga salita, pag-iwas sa mapanirang paglalarawan, at pagsasaalang-alang sa epekto ng mga ulat sa mga taong nakararanas ng mental health concerns, gayundin sa kanilang pamilya at komunidad.
Layunin ng pagsasanay na makatulong sa pagsusulong ng mas responsable, sensitibo, at makataong pamamahayag, lalo na sa pag-uulat ng mga sensitibong usapin tulad ng suicide.

















