Nagsagawa ng community at polling center visitation ang 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Nabalawag at Kadayangan sa Special Geographic Area o SGA ng BARMM kahapon, Agosto 21.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa paghahanda para sa ligtas, maayos at mapayapang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Setyembre 14, 2026.
Kasama ng 33rd IB ang Task Force 92 ng 1st Brigade Combat Team sa pakikipag-usap sa mga residente, pagsasagawa ng loudspeaker operations at pamamahagi ng mga babasahin tungkol sa halalan.
Ipinaalala rin sa mga komunidad ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan bago at habang ginaganap ang halalan.
Ayon sa militar, bahagi ito ng kanilang paghahanda at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad para sa maayos na pagsasagawa ng halalan.

















