Nagpatupad ng bagong security measures ang Gani L. Abpi College, Inc. sa Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur, kasunod ng isang Facebook post na naglalaman umano ng banta laban sa mga mag-aaral at kumalat sa social media.
Sa memorandum ng paaralan, epektibo sa Setyembre 29 ang pagbabawal sa mga estudyante, faculty at staff na lumabas ng campus para mag-lunch o break, maliban kung may kaukulang pahintulot.
Hindi na rin papayagang pumasok muli sa parehong araw ang sinumang magsasabing tapos na ang klase, trabaho o aktibidad nito.
Bukod dito, mandatory na ang paggamit ng transparent na bag sa pagpasok sa campus bilang bahagi ng mga hakbang para palakasin ang seguridad.
Patuloy namang hinihikayat ang school community na makipagtulungan sa pagpapatupad ng mga bagong alituntunin.

















